Gaya ng sinabi ko sa last blog ko nag-apply ako sa isang call-center nung Thursday. Sa sobrang tagal ng hinintay ko ay wala akong magawa kundi panoorin ang mga ibang applicants na nandoon din.
Question:
Bakit kailangan mag-english ng mga call-center applicants kahit nasa waiting area palang naman sila?
Ang alam ko kase wala namang kinalaman ang mga pinag-uusapan at paraan ng pakikipag-usap niyo sa waiting area kung matatangap kayo o hindi. Wala namang H.R. na nanonood dun at lahat naman ng tao dun ay nakakaintindi ng Filipino kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mag-english.
Sila kaya ay nagpra-practice para sa interview?
Ok lang sana. Ala namang masama sa page-english. Universal language nga siya diba? (o math ba yung universal language? ewan ko.) Halata lang kase yung iba na gusto lang magpakitang-gilas eh. Buti sana kung talagang magaling... ang masakit (lalo na sa tenga) ay karamihan nang mga taong nag-iisip na kailangan nilang magpa-impress ay yung mga hindi naman talaga kagalingan.
Alam ko ang iniisip nyo ngayon: "Ang yabang naman nito. Kala mo kung sinong magaling!!!" Excuse me. Hindi ko po iniisip na magaling ako. Ang point ko lang naman kase ay kung alam mo nang hirap ka at hindi naman talaga kailangan eh 'wag mo nang pilitin. Nakakaawa lang kase pakinggan. Lalo na yung mga "trying hard" na makipag-sabayan sa mga amboy at amgirl (sorry po. hindi ko alam ang politically correct term para dito) na nag-aaply. Eh wala naman ibang masabi kundi "yah". Nagmumukha tuloy walang alam.
Parang yung mga tao na naririning ko date na ayaw mag-order sa Starbucks dahil natatakot sila dahil hindi nila alam ang pronounciation ng "frappuccino". Hello!!! Lahat kaya ng barista na nkita ko dito sa pinas ay marunong mag-filipino. Tsaka kaya nga may malaking menu dun eh. Di 'pag hindi mo mabasa eh di ituro mo nalang.